Dating drug surrenderee muling naaresto sa checkpoint sa QC

QCPD photo

Arestado ang isang dating drug surrenderee matapos itong makuhanan ng droga sa checkpoint sa Quezon City Sabado ng umaga.

Unang sinita ang rider ng motorsiklo na si Romy Mirasol dahil wala itong suot na helmet pero nang inspeksyunin sa checkpoint sa Endraca at J.P. Rizal Streets sa Barangay Sta. Lucia ay nakuhanan ito ng droga.

Nakumpiska sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Wala ring naipakitang driver’s license ang suspek.

Maliban sa ipinagbabawal na droga, nakuha rin sa suspek ang cash na P200.00 at isang pouch.

Kinuha rin ng mga pulis ang motorsiklo ng suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Read more...