Ang paglilinaw ay kasunod ng pahayag ni Robredo sa panayam ng Bloomberg TV na bukas siya sa anumang posibilidad.
Sa panayam sa mga mamamahayag sa Naga City araw ng Sabado, nilinaw ng Pangalawang Pangulo na wala siyang sinabi na plano niyang tumakbong presidente sa 2022.
Inulit ng Bise Presidente ang posisyon nito na ang pagiging Pangulo ay isang tadhana.
Hindi anya ito napaplano gaya ngayong tatlong taon pa bago ang susunod na presidential elections.
“Ang sinasabi ko lang open ako sa lahat ng possibilities,” ani Robredo.
Paliwang pa nito, noong 2010 at 2016 elections ay mayroong mga maagang nagplano pero hindi namang natuloy sa pagtakbo bilang presidente.
Batay anya sa kasaysayan, ang matagumpay na pagkandidato bilang Pangulo ay iyong hindi pinaplano.