Ang MV Isla Simara na pag-aari ng Shogun Ships Company Inc. ay dumaong sa Pier 6, Berth 1, sa North Harbor sa Maynila.
Ang pangalan ng barko ay mula sa isa sa maliliit na isla sa Romblon.
Ayon kay Shogun Ships Company Inc. chairman Vicente Cordero, ang M/V Isla Simara ay ang “first Filipino-made, first Filipino-owned” RoRo vessel na patunay na kayang-kayang ng mga Pilipino na gumawa ng sarili nating barko.
Sumunod aniya ang barko sa Maritime Organization Standards at MARINA Memorandum Circular para sa Class 2 Category Service Standards para sa RoRo at mayroon din itong safety features.
Ang Philippine-made MV Isla Simara rin ang unang maituturing na “intelligent/smart vessel” na mayroong Modern Automation and Control System na nagsisilbing utak at nerve sensors at magagamit sa pagmonitor sa operating system ng barko.
Higit sa lahat, ang MV Isla Simara ay mayroong Marine Evacuation System na isang lifesaving device.
Ipimagmalaki rin ng kumpanya na gagamit sila ng mga eco-friendly na mga baso, kutsara, tinidor at plano sa restaurant ng kanilang barko.
Sa susunod na linggo magsisimula ang biyahe ng barko na may rutang Matnong, Sorsogon patungong Allen, Northern Samar at pabalik.
Bukod sa MV Isla Simara ay mayroon pang tatlong barko ang Shogun Ships na ginagawa sa Pangasinan at inaasahang magagamit na rin bago matapos ang taon.