Sen. Bong Go suportado si PAO Chief Persida Acosta

Kinumpirma ni Senator Christopher Bong Go na nananatili ang paniniwala niya sa integridad ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta sa kabila ng mga alegasyon ng katiwalian.

Sinabi ni Go na isang dekada na niyang kilala si Acosta at wala naman siyang narinig na corruption issues laban dito.

Ayon pa sa senador naniniwala pa rin siya sa pamumuno ni Acosta sa PAO at buo ang integridad nito.

Binigyang diin ni Go na ang mahalaga sa kanila ni Pangulong Duterte ay walang korapsyon kaya’t tuloy-tuloy ang kampanya laban sa mga tiwali.

Giit ni Go, magsasalita siya sa Senado kahit sino ang masagasaan basta gumawa ng katiwalian kahit kaibigan o nakatulong sa kanya noong eleksyon ay hindi siya hihinto na labanan ang korapsyon.

Read more...