Sen. Bong Go suportado ang SOGIE bill

Inquirer file photo

Aminado si Senator Christopher Bong Go na mahaba-habang debate pa ang panukalang dapat nang maging apat ang palikuran sa mga pampubliko at pribadong establisyemento.

Ito ay upang magkaroon ng kanya-kanyang palikuran ang mga lalaki, babae, at ang mga miyembro ng LGBT.

Sinabi ni Go na suportado niya ang SOGIE bill kasabay ng pagsusulong niya ng karapatan ng lahat dahil ayaw niyang mayroong diskriminasyon sa anumang paraan.

Ayon kay Go, pabor siyang mayroong sariling cubicle ang mga myembro ng LGBT para hindi magkakitaan at manatili ang privacy.

Dagdag ni Go, dapat kilalanin ang karapatan ng bawat mamamayan anuman ang kasarian ng bawat isa.

Read more...