De Lima, itinangging pamangkin niya ang naarestong co-accused sa drug case

Pinabulaanan ni Sen. Leila De Lima ang kumakalat na isyung pamangkin at bagman niya ang nahuli ng pulisya na si Dera na ngayon ay kapwa akusado sa drug case na kanyang kinakaharap dahil sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Nakasaad sa sulat kamay na media release ni De Lima na wala siyang anumang kaugnayan kay Dera.

Ani De Lima, isa lamang “fictional tale” ang pag uugnay sa kanya sa kapwa akusado matapos nitong magtago ng dalawang taon.

Ang pahayag na ito ni De Lima ay salungat sa impormasyong nakalap ng mga otoridad na si Dera ang naging tagahatid ng pera para kay De Lima.

Sa kabila ng mga ito, nanindigang muli ang mambabatas na inosente siya sa lahat ng kasong kinakaharap niya ngayon partikular na sa usapin ukol sa iligal na droga.

Read more...