Matapos mag viral sa social media ang video ng isang Chinese na babaeng hinuhugasan ang anak na dumumi sa baybayin ng dagat habang ibinabaon naman ng kasamahan nito ang diaper ng bata sa buhangin.
Pinaplano na ni acting Mayor Frolibar Bautista ng Malay, Aklan na magpatayo ng mga karagdagang public toilet sa Boracay.
Aniya, kung minsan talaga ay hindi maiiwasan ang “tawag ng kalikasan”.
Iginiit naman nito na mayroon nang dalawang public toilet malapit beachfront sa Station 2 at 3 na kalaunan ay ipinagiba rin dahil sa pagpasok ng Boracay Inter Agency Task Force.
Araw ng Biyernes, August 16, nang muling buksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko ang bahagi ng Station 1 na pansamantalang ipinasara sa loob ng 48 oras o dalawang araw upang hanapin kung nasaan ang diaper na nakitang ibinabaon ng isang babae sa naturang video.
Samantala, siniguro naman ng alkalde na magdadagdag pa ng mga roving beach guards at Malay Auxiliary Police sa buong isla upang agad na maaresto ang sinomang lalabag sa ipinapatupad na batas sa isla.