Jonas Brothers, magtatanghal sa 2019 MTV Video Music Awards

Napiling magtanghal ang bandang Jonas Brothers sa 2019 MTV Video Music Awards na gaganapin sa August 27 sa Prudential Center sa Newark, New Jersey.

Nominated rin ang nasabing grupo sa 2019 MTV Video Music Awards sa mga kategoryang “Video of the Year”, “Song of the Year”, “Best Pop”, at “Artist of the Year”.

Nakilala ang Jonas Brothers taong 2005 nang lumabas sila sa Disney Channel.

Ngayong taon rin ay inanunsyo ng grupo na muli silang magsasama-sama para magtanghal, ito ang kanilang kauna-unahang pagsasama sa loob ng 10 taong paghihiwalay.

Ang bandang Jonas Brothers ay binubuo ng magkakapatid na sina Kevin Jonas, Joe Jonas at Nick Jonas na pinasikat ang mga kantang “Play The Music”, “Love Bug ” at marami pang iba.

Read more...