Mahigit P2M na halaga ng smuggled na sigarilyo, nakumpiska ng BOC sa Zamboanga City Port

Kumpiskado ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 45 na kahon ng iba’t ibang uri ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City Port.

Tinatayang nagkakahalagang P2.2 million ang nasabing mga sigarilyo na natagpuan sa MV Erlinda ng Montenegro Shipping Lines Incorporated.

Kasalukuyan paring inaalam ng mga kinauukulan kung paano nakapasok ang mga smuggled cigarettes sa lalawigan.

Read more...