Umabot na sa 269,087 ang aplikasyon na natanggap ng Comission on Elections o Comelec sa ikalawang linggo ng voter registration.
Ayon sa Comelec, first time registrants ang malaking bilang ng mga nag-apply na umabot sa 159,126 kung saan 15 hanggang 17 anyos ang 36,649 habang 18 anyos pataas ang 122,477.
Pinakamataas ang record ng mga nagparehistro sa Region IV-A na umabot sa 43,777 mula August 5 hanggang August 10 at nakapagproseso naman ang Region I ng 5,880 na aplikanteng menor de edad sa parehong panahon.
Nagsimula ang voters registration para sa darating 2020 barangay at sangguniang kabataang elections noong August 1 na tatanggal hanggang September 30.
MOST READ
LATEST STORIES