Patuloy na pagdami ng mga fixer, ikinababahala ng US Embassy

Nababahala na ang US Embassy sa patuloy na pagdami ng mga fixers na nambibiktima sa mga ng mga kabababayan nating nagnanais ng mas mabilis na proseso ng visa applications.

Ayon kay Leon Gender, Fraud Prevention Manager ng US Embassy sa Maynila, ang mga illegal fixers ay gumagamit ng social media o nagpapanggap na may koneksyon sa loob ng embahada upang manghikayat at mapapaniwala ang kanilang mga biktima.

Aniya, hindi naman mahirap ang mag-asikaso ng visa, kung kaya’t hindi kailangang mangamba ng mga kababayan nating Pinoy na mapatagal o mahirapan sa pagkuha nito.

Read more...