Presyo ng ilang produktong petrolyo, nakaambang tumaas sa darating na Martes

Magkakaroon ng taas presyo sa ilang produktong petrolyo sa darating na martes, August 20.

Nag-anunsyo ang Chevron Philipines Inc. o Caltex ng dagdag singil na aabot ng singkwenta sentimos (P0.50) kada litro ng gasolina at kerosene.

Sa diesel ay madaragdagan ang presyo kada litro ng sitenta y singko sentimos (P0.75).

Epektibo ang naturang oil price hike 12:01 ng madaling araw ng Martes.

Read more...