Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, southwest monsoon o Habagat pa rin ang nakakaapekto sa Kanlurang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon.
Dahil sa Habagat, ang extreme northern Luzon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maaliwalas ang panahon na may posibilidad ng mga pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, mapanganib at ipinagbabawal ngayong araw ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Batanes, Babuyan, Calayan, Cagayan at Isabela.
Posibleng umabot sa tatlo hanggang apat na metro ang alon sa naturang mga lugar.