Muling gumawa ng eksena ang tinaguriang ‘French Spiderman’ na si Alain Robert.
Ito ay matapos umakyat si Robert sa isang gusali sa Hong Kong araw ng Biyernes para ikabit ang isang banner na nagpapakita ng ‘handshake’ ng mga bandila ng Hong Kong at China.
Ang 57-anyos na Pranses ay kilala sa pag-akyat sa pinakamatataas na skycrapers sa mundo.
Ilang linggo na ang anti-government protests sa Hong Kong dahil sa pagtutol sa extradition bill ng China.
Ayon kay Robert, ang kanyang pag-akyat sa 68 palapag na Cheung Kong Center ay upang ipanawagan ang kapayapan at dayalogo sa pagitan ng Hong Kong at ng central government.
Pero imbes na ngumiti, ilan sa mga taga-Hong Kong ay hindi natuwa sa ginawa ni Robert.
Iginiit ng Australia-based Chinese dissident artist na si Badiucao na ang ginawa ni Robert ay nagpapakita lamang ng kawalan ng kaalaman ng ilang mga taga-Kanluran sa sitwasyon ng Hong Kong at China.
Mula nang sumiklab ang mga kilos-protesta sa Hong Kong noong Hunyo, umabot na sa higit 700 ang naarestong demonstrador.
This flag shows how ignorant and stupid for some westerns understanding of Hong Kong and China.
stop normalising Beijing ok? Do u really want shake hands with butchers and dictators.‘Spiderman’ scales Hong Kong skyscraper, unfurls ‘peace’ banner.
— 巴丢草 Badiucao (@badiucao) August 16, 2019