M4.3 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-3:51 Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 278 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 70 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Dahil nasa katubigan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...