M3.2 na lindol naitala sa Negros Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Negros Occidental alas-2:26 Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 41 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Sipalay.

May lalim ang pagyanig na tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...