Andi Eigenmann balik-isla matapos manganak

Andi Eigenmann IG

Para labanan ang nararanasang post-partum syndrome, bumalik sa pamumuhay isla si Andi Eigenmann.

Kasama ni Andi na nagbalik-isla ang partner nitong si Philmar Alipayo, ang panganay na si Ellie at si baby Lilo.

Nagdesisyon ang pamilya na bumalik sa Siargao matapos ang 2 buwang pananatili sa Manila.

Ayon kay Andi, kapag nalilito siya ukol sa kanyang buhay ay iniisip niya na darating ang maaliwalas na buhay.

Aminado ang dating aktres na nami-miss niya ang dating sarili noong wala pa siyang mga anak.

Pero hindi anya ito dahilan para manghinayang siya sa kanyang buhay ngayon.

Naniniwala si Andi na ang pamumuhay sa isla ay makakatulong para makabangon siya mula sa kanyang pinagdaraanan.

 

Read more...