Pinangunahan nina import Chris McCullough at five-time MVP June Mar Fajardo ang kampeonato ng San Miguel sa ginawa nilang 35 points at 19 points habang nagdagdag si Christian Standhardinger ng 18 points.
Gumawa si Terrence Romeo ng 10 points sa huling laro pero ang magandang performance nito noong Game 2 kung saan nagtala ito ng 29 points ang dahilan kaya siya itinanghal na PBA Press Corps Honda Finals Most Valuable Player.
Ito naman na ang pang walong PBA championship ni coach Leo Austria kaya pareho na sila ni coach Chot Reyes na may walong titulo sa liga.
Dahil sa bagong titulo at dalawa na sa tatlong titulo ngayong PBA season ay lumakas ang kampanya ng Beermen para sa Grand Slam.
Sina Terrence Jones at Jayson Castro ang gumawa sa Ka Tropa ng 41 points at 16 points pero hindi ito naging sapat para palawigin ang serye hanggang Game 7.