5 drug suspects, timbog sa buy-bust operation sa Vanlenzuela City

Arestado ang limang drug suspects matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Valenzuela City, araw ng Biyernes.

Nakilala ang mga suspek na sina Jimmy Dela Cruz, 40-anyos; Sammy Velasquez, 29-anyos; Michael Leyson, 29-anyos at Noel Ontic, 33-anyos

Nakilala naman ang babaeng suspek na si Irma Ramirez, 38-anyos.

Narekober sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang ipinagbabawal na gamot at P500 cash na ginamit bilang buy-bust money.

Ang nasabing operasyon ay ginawa sa Santol St. Babaguin, Valenzuela City bandang 1:45, Biyernes ng hapon.

Ginawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit at Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...