Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, planong tapusin ang paglilinis ng ilog sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
Aniya, nagtalaga na siya ng isang team mula sa DENR na magsasagawa ng matinding pagbabago at paglilinis sa nasabing ilog.
Sabi pa ni Cimatu na ito ay para bumaba ang fecal coliform level ng Manila Bay.
Nakakapagdagdag kasi ang Bangkulasi river ng fecal coliform sa Manila bay.
Ang fecal coliform ay isang uri ng bacteria sa tubig na nakakapinsala katawan ng tao at sa hayop.
Ang tubig ng Bangkulasi River ay isa sa pinakamaruruming ilog na dumadaloy patungong Manila Bay.
MOST READ
LATEST STORIES