Ngunit aniya, may isyu talaga sa paggamit ng mga transgender sa paggamit ng comfort room para sa mga babae.
Aniya, kailangan ding ikonsidera ang pakiramdam ng mga babae na hindi talaga komportable na nakakasama nila sa paggamit ng CR ang mga transgender.
Katuwiran pa nito, ang mga comfort room ay ginawa base sa kasarian, babae at lalaki.
Dagdag pa nito, hindi naman magagamit ng mga lesbian ang urinal para sa mga lalaki.
Sinabi rin ni Sotto na mabuti kung magkakaroon ng CR para sa mga miyembro ng LGBTQ+ ngunit hindi sa lahat ng lugar ay magagawa ito.
MOST READ
LATEST STORIES