Puganteng Korean arestado ng BI sa NAIA

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang lugar dahil sa kasong fraud.

Ayon kay BI Operations Division chief Grifton Medina, ang suspek ay nakilalang si Jang Hongsuk, 38 anyos.

Nakatakda na sana siyang sumakay ng flight patungong Seoul, Korea nang maharang ng mga otordad.

Sa ulat ng Seoul authorities, si Jang ay sangkot sa panloloko sa taltong katao at nakatangay ng aabot sa 8.2 million won.

Dumating ang dayuhan sa bansa noong February 10.

Nakakulong ngayon sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa si Jang habang inaantay ang deportation sa kaniya. Ang dayuhan

Read more...