150 bahay nasunog sa Davao City

Aabot sa 150 mga bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Barangay 23-C sa Davao City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – Region 11, nagsimula ang sunog alas 2:45 ng hapon ng Biyernes (Aug. 16) sa 2nd floor ng isa sa mga bahay sa Isla Verde.

Naideklarang under control na ang sunog ala 1:37 ng hapon.

Wal anamang napaulat na nasaktan sa sunog.

Sa pagtaya ng mga otoridad ay aabot sa mahigit P2.6 million ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Read more...