Ayon kay Laguna Gov. Ramil Hernandez, 9 na sanggol na ngayon ang nakikinabang sa mga bagong oxygen hood.
Ang oxygen hood ay makatutulong sa paghinga ng mga sanggol.
Kamakailan ay nag-viral sa social media ang larawan ng sanggol sa ospital sa Laguna na ginamitan ng improvised na oxygen hood.
Gawa sa galon ng tubig ang oxygen hood na hinati sa gitna at saka ginamit sa sanggol.
Sinabi ni Hernandez na sa mga pagkakataong kulang ang supply ng ospital dahil sa dami ng mga pasyente ay kinailangang gumawa ng paraan ng mga doktor para matiyak na ligtas ang mga pasyente.
Aniya sinabi naman ng DOH na maaari gawing alternatibong oxygen hood ang mga plastic bottles basta’t siguraduhin lang na ligtas at malinis ang mga ito.