Ito ay kasunod ng natanggap na pressure mula Beijing dahil ang ilan umanong empleyado ng airline company ay lumalahok sa anti-government protests sa Hong Kong.
Sa kaniyang pahayag sinabi ni Cathay Pacific CEO Rupert Hogg, inaako niya ang buong responsibilidad sa mga pangyayari.
Noong Lunes, nagbabala na si Hogg sa mga empleyado ng airline company na maari silang mapatawan ng parusa kung lalahok sa protesta.
Ayon naman kay John Slosar ang chairman ng kumpanya, kailangan ng bagong management ng airline company dahil nakwestyon ang commitment ng Cathay Pacific sa usapin ng safety at security dahil sa mga nagdaang pangyayari.
MOST READ
LATEST STORIES