WiFi Kiosk sa Maynila binago ang pangalan; ginawang “MNLKonek” mula sa dating “ISKOnek”

Pinalitan ang pangalan ng kabubukas lamang na WiFi Kiosk sa Andres Bonifacio Shrine sa Maynila.

Mula sa dating “ISKOnek” na pangalan nito nang ito ay inilunsad ay ginawa na itong “MNLKonek”.

Ibinahagi din ng Manila Public Information Office ang larawan ng WiFi Kiosk na may bago nang pangalan.

Ayon kay Manila PIO chief Julius Leonen si Manila Mayor Isko Moreno mismo ang humikayat sa kumpanyang Eastern Comms para alisin ang kaniyang pangalan sa Kiosk.

Ang Eastern Comms aniya ang nagpasya na pangalanan iyon ng “ISKOnek”.

Pero noon ay ipinag-utos na ni Moreno ang pagtatanggal ng pangalan niya at iba pang pulitiko sa mga proyekto at mga establisyimento sa lungsod.

Read more...