Erich Gonzales nag-backout sa teleseryeng “Love Thy Woman”

Nag-backout ang aktres na si Erich Gonzales sa isang television series project.

Sa Instagram, inanunsiyo ng Dreamscape Entertainment na ‘creative differences’ ang naging sanhi ng pag-alis ni Erich sa “Love Thy Woman.”

Makakasama sana ng aktres sa proyekto sina Kim Chiu at Xian Lim.

Papalitan sa role bilang Dana Wong ang aktres na si Yam Concepcion.

Wala pa namang inilabas na detalye ang ABS-CBN network kung kailan simulang mapapanood ang teleserye.

Read more...