Ayon sa DPWH, sisimulan ang reblocking alas 11:00 ng gabi mamaya (Aug. 16) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, Aug. 19.
Maapaketuhan ang sumusunod na mga lansangan:
EDSA Southbound
– harap ng Sojen at harap ng Chevrolet, 5th lane mula sa sidewalk
– Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop
– Eugenio Lopez Drive hanggang Scout Borromeo
EDSA Northbound
– bago mag New York Street, 1st lane mula sa sidewalk
C5 northbound
– C.P. Garcia bago mag-Kalayaan Avenue Extension
Katipunan Avenue Southbound
– Boni Serrano Tunnel truck lane
Quirino Highway eastbound
– mula sa Theresa Heights
– bago sumapit ng Belfast, inner lane
Elliptical Road eastbound
– bago mag-Commonwealth Avenue, 7th lane mula sa sidewalk,
General Luis westbound
– mula sa bahagi ng Oriental Tin
Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na iwasan na lamang muna ang nabanggit na mga kalsada para hindi maabala.