P2.2M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Zamboanga

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Zamboanga ang 45 kahon ng mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.2 Million.

Ang mga sigarilyo ay nakumpiska sa MV Maria Erlinda ng Montenegro Shipping Lines Inc., makaraang makatanggap ng impormasyon ang customs na may kahina-hinalang mga kahon sa barko.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na mayroong nakumpiskang kahon-kahong sigarilyo ang customs sa Zamboanga.

Noong August 5, 2019 ay nakakumpiska rin ng nasa 2,000 reams ng smuggled cigarettes sakay naman ng MB Aljin.

Hinikayat naman ng BOC ang publiko na agad ireport sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang mga gamit na kanilang makikita sa biyahe.

Read more...