Unang isinagawa ang operasyon alas 10:30 ng gabi ng Huwebes, August 15, 2019 sa Sitio San Miguel, Barangay Apas Lahug kung saan nadakip si Jovanne Zabate Cabuenas, 29-anyos.
Nakumpiska kay Cabuenas ang isang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P680,000 ang halaga.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Glenn Mayam ng Special Operation Unit (SOU) 5, si Cabuenas ay miyembro ng big-time drug group na nag-ooperate sa Cebu.
Ikinasa naman ang ikalawang operasyon ng Labangon Police Station alas 4:30 ng umaga ng Biyernes, August 16, 2019, sa Buhisan Road, Barangay Buhisan.
Nadakip naman sa nasabing operasyon ang high-valued target na si Lorlando Virgil Cabahug Ongos, 32-anyos .
Nakumpiska kay Ongas ang dalawang malalaking plastic ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.
Sinabi ni Police Major Henrix Bancoleta, Labangon Police chief, isang linggo nilang isinailalim sa surveillance si Ongas.
Kapwa nakakulong na ngayo ang dalawang suspekk sa Cebu City Police Office (CCPO).