Kapitan ng barangay patay sa pananambang sa Tondo

Patay ang isang kapitan ng barangay makaraang tambangan sa Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Col. Gene Licud, hepe ng station 7 ng Manila Police District, nakilala ang biktima na si Alfedo Lansigan, kapitan ng Barangay 161, Zone 14 Gagalangin, Tondo.

Nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan. Naisugod pa ito sa Chinese general Medical Hospital pero nasawi din kalaunan.

Nakuhanan naman sa CCTV ang pamamaril kay Lansigan.

Sakay ang biktima ng kaniyang motorsiklo ng lapitan ng riding in tandem, tinawag sya kaya napahinto ang biktima bago pagbabarilin ng mga suspek.

Ayon sa ilang saksi, naganap ang pamamaril alas 9:30 ng umaga na sa una ay inakala nilang may pumutok lang na gulong, pero putok na pala ng baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...