Sangley Airport sa Cavite, 55% nang kumpleto

Puspusan at 24/7 ang construction works sa Sangley Airport sa Cavite.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 55% na ang completion rate ng naturang paliparan.

Sinabi ng DOTr na tuluy-tuloy ang konstruksyon upang magamit na sa lalong madaling panahon.

Bahagi ng nagpapatuloy na konstruksyon ang structural works sa Passenger Terminal Building (PTB), runway, apron, drainage system, power supply, at site development.

Read more...