LOOK: U.S Embassy sarado sa Miyerkules, Aug. 21

Naglabas na ng abiso ang US Embassy sa Maynila na sarado ito sa Miyerkules, August 21.

Nakasaad sa abiso na walang operasyon ang embahada at lahat ng affiliated offices nito sa naturang petsa.

Ito ay dahil deklarang holiday ang August 21 sa Pilipinas na Ninoy Aquino Day.

Nakasaad sa abiso na sa Huwebes, August 22 ay balik naman sa normal na operasyon ang US Embassy.

Read more...