Water level ng Angat dam sumampa na sa 177-meter level

Ilang metro na lamang ang layo para maabot ng Angat dam ang normal operating level nito na 180-meters.

Ngayong Biyernes ng umaga, Aug. 16 nasa 177.12 meters na ang water level ng Angat dam.

Una nang sinabi ng National Water Resources Board na dahil sa patuloy na pagtaas ng water level sa Angat ay maaring taasan na rin ang water allocation para sa Manila Water at Maynilad.

Samantala, lahat naman ng iba pang mga dam sa Luzon ay tumaas ang antas ng tubig.

Maliban lamang sa Caliraya dam na nabawasan ng kaunti ang water level.

Read more...