Truck tumagilid sa Litex kanto ng Commonwealth Ave.; 3 ang sugatan

Sugatan ang tatlong katao makaraang tumagilid ang isang tow truck sa kanto ng Litex at Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Naokupahan ng tow truck ang dalawang inner lane ng kalsada kaya naapektuhan ang daloy ng traffic sa eastbound lane ng Commonwealth.

Alas 3:00 pa ng madaling araw nangyari ang aksidente.

Ang driver nito at 2 pang sakay ay agad namang naisugod sa ospital.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang naging dahilan ng pagtagilid ng tow truck.

Read more...