Habagat bahagyang humina pero apektado pa rin ang Northern at Central Luzon

Mas nabawasan na ang kaulapang dulot ng Habagat o Southwest Monsoon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw (Biyernes, Aug. 16) ang Habagat ay maghahatid ng maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, at Babuyan Group of Islands.

Maaring magdulot ng flash floods o landslides ang mga nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Dahil naman sa hanging hatid ng Habagat nakataas pa rin ang gale warning sa baybaying dagat ng sumusunod na lalawigan:

– Bataan
– Zambales
– Pangasinan
– La Union
– Ilocos Sur
– Ilocos Norte
– Batanes
– Babuyan
– Calayan
– Cagayan
– Isabela
– at Aurora

Maliban sa Habagat, walang ibang weather system na binabantayan ang PAGASA sa loob at labas ng bansa.

Read more...