Bala na nakapatay sa bata sa Bulacan, mula sa hunting rifle

 

Mula sa Wikipedia

Bagaman wala pa ring kumpletong impormasyon ang mga pulis tungkol sa umano’y insidente ng ligaw na balang nakapatay sa isang siyam na taong gulang na bata sa Bulacan, napag-alaman nilang mula ang bala sa isang hunting gun.

Nasa mga pulis na ngayon ang 22 caliber slug na nakuha sa katawan ng bata, at ayon sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, ito ay pangkaraniwang ginagamit sa pangangaso ng mga maliliit na hayop.

Tinamaan ng bala ang batang nakilalang si Lorena Cruz sa kaniyang likod habang naglalaro sa may bahagi ng Ipo Dam noong bisperas ng Pasko, December 24.

Nalaman lamang ng kaniyang mga magulang na nagtamo siya ng sugat nang siya ay umuwi, pero sa pag-aakalang dahil lang ito sa paglalaro, hindi pa ito inalintana ng pamilya at hindi pa muna dinala sa ospital.

Iyon pala ay tinamaan na ng bala ang bituka, atay at bato ng bata, na siyang hindi na rin kinaya ng puso kaya nang dalhin ito sa ospital araw ng Pasko, December 25, hindi na rin naagapan ang kaniyang buhay.

Samantala, hindi pa rin kinukumpirma ng mga pulis kung ito ba talaga ay kaso ng ligaw na bala dahil kamakailan lamang sila nabigyang impormasyon tungkol sa insidente.

Read more...