Mister, minartilyo at ginilitan ng leeg ng misis sa Bohol

 

Mula sa inquirer.net

Minartilyo sa ulo at ginilitan ng leeg ng isang ginang ang kaniyang mister habang natutulog sa Daius, Bohol na nasaksihan pa ng tatlo nilang anak.

Isang araw matapos ang malagim na pagpatay sa kaniyang asawang si Edgar Cinconiegue, natagpuan ang bangkay ni Anecita na tila nagpakamatay.

Ayon sa deputy chief ng Daius Police Station na si SPO4 Rulona, pinatay ni Anecita si Edgar gamit ang isang maso, Linggo ng umaga, at hindi pa nakuntento dahil ginilitan pa nito ang leeg ng mister gamit ang 12 pulgadang kutsilyo.

Nakita ng mga anak nilang may edad 11, 13 at 14 ang ginawa ng kanilang ina sa kanilang ama, kaya agad na humingi ng saklolo na siyang ikinaalarma ng mga kapitbahay.

Nang dumating ang mga pulis at kaanak ng pamilya, natagpuan na nila si Edgar na naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanilang silid, pero hindi na nila makita si Anecita na nagtatakbo umano sa talahiban.

Kinabukasan ng gabi, Lunes, natagpuan ng isang residente ang bangka ni Anecita na may laslas sa pulso at sa siko. Narekober naman ang kutsilyo na pinaniniwalaan ginamit ng babae sa pagpatay sa kaniyang mister at sa kaniyang sarili.

Kinumpirma naman ani Rulona ng mga kaanak nila na may sakit sa pag-iisip si Anecita, at na pinaplano na nila itong dalhin sa mental hospital bago pa mangyari ang insidente.

Isasailalim naman sa stress debriefing ang tatlong bata sa lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ani Rulona, ito na ang pinaka-kahindik-hindik na krimen na naganap sa Dauis na kaniyang naalala.

Read more...