2 suspek sa pananambang sa crew ng ABS-CBN, kinilala na

 

Kinilala na ng mga pulis ang dalawang suspek sa pananambang sa news team ng ABS-CBN sa Marawi City noong Sabado.

Mahaharap sa kasong attempted murder sina Yusoph Sangcad, Nasser Masorong at dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Una nang naglabas noong Lunes ang mga pulis ng artist sketch ni Sangcad.

Matatandaang matapos mag-cover ng follow up report ang 3-man news team kabilang na ang reporter na si Ronnie Enderes, cameraman na si Emelito Balansag at driver na si Garry Montecillo.

Ayon kay Enderes, naganap ang pananambang pasado tanghali ng Sabado matapos silang mag-follow up ng isang storya ng isa na namang pagpapasabog sa tore ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Barangay Lanao Ramain sa Marawi City.

Habang sila ay bumabyahe pabalik ng Iligan City, doon na nila nabatid na may bumubuntot na sa kanila na mga armadong kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo na bigla silang pinaputukan.

Hindi pa rin tiyak ng mga pulis kung anong grupo ang kinabibilangan ng mga suspek, pero hinala nila Khilafah Islamic Movement ang nasa likod nito na umano’y pumupuntirya sa mga dayo lalo na kung hindi muslim.

Read more...