IS leaders na konektado sa Paris Attacks, napatay sa airstrikes-US

 

Inquirer.net/AP

Napatay ng sunud-sunod na airstrike laban sa ISIS ang hindi bababa sa sampung miyembro ng grupo na may koneksyon sa mga pasimuno ng Paris Attacks na ikinasawi ng 130 katao.

Ito ang isiniwalat ni US Army Colonel Steve Warren, tagapagsalita ng US-led military campaign laban sa Islamic State.

Ayon kay Warren, isa sa mga napatay na miyembro ng ISIS o ISIL ay si Abdul Qader Hakim, na napatunayang may koneksyon sa terror cell na may kagagawan ng Paris attacks.

Napatay sa Hakim sa airstrike sa Mosul noong December 26.

Noong December 24 naman napatay din sa coalition airstrike si Charaffe al Mouadan, isang Islamic State member na may direktang koneksyon kay Abdelhamid Abaaoud, ang itinuturong ringleader ng November 13 Paris attacks.

Nagpaplano pa umano si Mouadan ng mga dagdag pang pag-atake bago ito napatay.

Read more...