Sa pinakahuling tala ng Echague Municipal Health Office, mula noong January hanggang July 31, 2019 ay umabot na sa 319 ang dengue cases.
Sa Echague District Hospital, kalahati ng mga nakaconfine ay dahil sa dengue ayon kay Dr. Jun Garcia, medical officer ng pagamutan.
Tiniyak naman ng opsital na handa sila sa dagsa ng mga pasyenteng may dengue dahil sapat ang kanilang mga gamot at pasilidad.
Ang desisyon ng pamahalaang lokal na magdeklara ng state of calamity ay upang mapigilan na ang pagtaas pa ng kaso ng sakit.
Magagamit na ang calamity fund sa pagbili ng dengue kits, larvicides at iba pang kagamitan para masugpo ang sakit.
Ngayong weekend, malawakang paglilinis sa kapaligiran at pag-spray sa larvicide ang isasagawa sa mga bakuran at paaralan.