5 arestado sa iligal na paghuhukay sa Puerto Galera

Arestado ang limang lalaki na iligal na naghuhukay sa Puerto Galera, Oriental Mindoro para maghanap umano ng dugo.

Ayon kay Capt. Arman Rubio, acting Puerto Galera police chief, ang mga suspek ay nakilalang sina Wilfredo Baltazar, Alfredo Sanchez, Martin Adem, Argie Reyes at Michael Nobleza.

Naghuhukay umano ang mga ito para maghanap ng ginto sa Barangay Tabinay.

Nakuha sa limang suspek ang ilang kagamitan para sa paghuhukay.

Kabilang ang generator, mga wire, flashlights, at iba pang mining tools.

 

Read more...