M3.9 na lindol naitala sa Zamboanga del Norte

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng Zamboanga del Norte alas-11:51 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 40 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Liloy.

May lalim ang pagyanig na 35 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...