Itinanggi ng PAO lawyers ang anonymous manifestation na lumabas sa publiko.
Sa kanilang manifesto araw ng Huwebes, pinabulanan ng mga abogado ng PAO na may ginawa silang dokumento para suspendehin sina Acosta at Erfe dahil sa umanoy kurapsyon.
“In order to shed light on the matter, the undersigned public attorneys herein categorically deny the alleged subject anonymous manifestation that has become the subject of fake news,” pahayag ng PAO lawyers.
Hindi umano sila ang nagsulat ng manifesto o nagsumite nito sa Office of the Ombudsman.
Malinaw anila na ang manifesto ay gawa-gawa lamang ng ibang tao na may sariling interes.
Pahayag ito ng PAO lawyers kasunod ng alegasyon na nakinabang umano sina Acosta at Erfe sa kontrobersyal na Dengvaxia.
Ito ay dahil kailangan umano ang mas maraming office supplies sa gitna ng obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na may sobrang P13.1 milyon na halaga ng mga kagamitan ang PAO.