MMDA: Christmas-level na traffic sa EDSA ramdam na

Agosto pa lamang at sa susunod na buwan pa ang simula ng tinaguriang “ber months” pero ramdam na sa EDSA ang mala-Paskong trapik.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ngayong buwan pa lamang ay umiiral na ang lebel ng trapik na katulad kapag panahon ng Pasko.

Sa datos ng ahensya, mas mataas ng 601 percent ang volume ng trapiko sa EDSA kumpara sa kapasidad ng mga sasakyan araw araw.

Mas marami rin ang mahigit 380,000 na mga sasakyang bumibyahe sa EDSA bawat araw gayung ang kaya lamang nito ay mahigit 50,000.

Pinakamarami ang mga kotse na bumibyahe sa EDSA na nasa 66 percent habang 22 percent ay mga motorsiklo at halos 4 porsyento ay mga bus.

Paliwanag ni MMDA spokesperson Celine Pialago, dahil sa mga nasabing dahilan ay pang-Disyembre o Christmas-level na ang matinding trapik sa EDSA gayung nasa Agosto pa lamang.

Asahan na rin anya na lalo pang bibigat ang daloy ng trapiko sa naturang pangunahing lansangan simula sa Sityembre.

 

Read more...