Rider patay, 2 sugatan sa aksidente sa Isabela

Patay ang driver ng isang motorsiklo na sumalpok sa isa pang motorsiklo sa national highway sa Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Joey Fernandez, 45 anyos, na hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Ang dalawa namang sugatan sa aksidente ay sina Christian Miguel, 21 anyos, driver ng isa pang motorsiklo at ang angkas nitong si Magno Rodriguez.

Kasalukuyang nagpapagaling ang dalawa sa Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City.

Iniimbestigahan ang dahilan ng aksident at kung sino ang may pananagutan sa pangyayayi.

 

Read more...