Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na binigyan ng patas na pagtrato si Diez at iba pang miyembro ng LGBT community.
May ordinansa aniya ang Quezon City na gender fair ordinance na nagbibigay proteksyon at patas na pagtrato sa LGBT.
Malinaw aniya na paglabag sa ordinansa ang ginawa ng janitress.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na suportado ng pangulo ang pagbibigay ng pantay na pagtrato sa LGBT.
Katunayan, suportado ng pangulo ang sexual orientation, gender identity and gender expression o SOGIE equality bill.
Pero hindi naman matiyak ni Panelo kung sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang naturang panukala.