Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante, posibleng maharap sa kasong plunder ang mga opisyal ng DepEd kung mapatutunayang nagkaroon ng katiwalian at kapabayaan kaya’t hindi napakinabangan ang mga libro.
Nanghihinayang ang kongresista sa nasasayang na pondo ng gobyerno sa pagpapa-imprenta ng mga libro ngunit tadtad naman ng mali at hindi nagagamit.
Kung magpapatuloy aniya ang pagpapagamit ng mga librong maraming error, mangangahulugan ito na maling aralin din ang maituturo sa mga estudyante.
Kasabay nito ay ikinakasa na ang paghahain ng resolusyon sa Kamara upang magkaroon ng pormal na imbestigasyon sa ibinunyag ng Commission on Audit (COA) na mahigit 3-milyong libro na nagkakahalagang P113-milyon na hindi nagagamit at P254-milyong halaga ng Grade 3 learning materials na umano’y maraming error o mali ang pagkakasulat.