Biyahe ng Qantas Airlines mula Sydney to Manila at pabalik kanselado

Nag-abiso ang Qantas Airlines sa mga pasahero nito na galing at patungong Sydney na kanselado ang kanilang flights bukas, Aug. 16.

Sa abiso ng Qantas Airlines na inilabas ng Manila International Airport Authority (MIAA) nakasaad na kanselado ang Sydney to Manila at Manila to Sydney na biyahe ng naturang airline company.

Kabilang sa kanselado bukas August 16 ang sumusunod na biyahe:

QF 019 Sydney-Manila
QF 020 Manila-Sydney

Operational reasons ang sinabing dahilan ng Qantas na dahilan ng kanselasyon ng biyahe.

Sinabi ng Qantas na lahat ng pasaherong apektado ay pasasakayin naman sa alternatibong flights.

Read more...