Pangulong Duterte buo pa ang tiwala kay PAO chief Acosta

Wala pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto o hilingin na maghain ng leave of absence si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta.

Ito ay kahit na naghain na ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang mga empleyado ng PAO para hilingin na suspendihin si Acosta dahil sa isyu ng korapsyon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, buo pa ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Acosta.

Pero ayon kay Panelo, ibang usapan na kapag nakitaan na may probabale cause ang alegasyon at may suspension order na mula sa Ombudsman.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na hahayaan na muna ng Palasyo ang Ombudsman na gawin ang kanilang tungkulin.

“If there is a case in the Ombudsman then we will let the Ombudsman do its work
as a matter of policy, the president does not interfere in the work function, activity of any constitutional body or any branch of the government. Let the law takes its course,” ayon kay Panelo.

Hindi aniya naging ugali ni Pangulong Duterte na pakialaman ang trabaho ng ibang sangay ng pamahalaan.

Pero ayon kay Panelo, nasa kamay pa rin ni Acosta ang huling pagpapasya kung magbibitiw sa pwesto o maghahain muna ng leave of absence habang ginagawa ang imbestigasyon.

Base sa liham ng PAO employees, hininihiling ng kanilang hanay sa Ombudsman an suspendihin si Acosta at Forensics chief Erwin Erfe dahil sa pagdodoktor sa purchase order ng PAO para maging available ang pondo para kay Acosta lamang.

Read more...